100% na pagbubukas sa mga negosyo, ipaubaya sa mga LGUs

Hiniling ni Deputy Speaker Bernadette Herrera na ipaubaya sa mga Local Government Units (LGUs) ang 100% na pagbubukas ng mga negosyo sa bansa.

Kasabay ng hirit ng kongresista ang rekomendasyon nito na tularan ang Singapore sa naging hakbang na mamuhay ng ligtas sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Herrera, ang mga mayors, councilors at barangay officials ang nasa ‘best position” at dapat na manguna sa mabilis at tiyak na pag-aksyon laban sa COVID-19.


Dahil kabisado ng mga LGUs ang kanilang sakop na lugar, maaari silang maglatag ng pamamaraan para sa ligtas na pagbubukas ng mga negosyo at pagbabalik ng mga nawalang trabaho.

Maaari rin aniyang magtakda ng standards ang mga LGUs upang pati ang mga small at medium businesses ay makapagbukas na rin ng mga negosyo sa 100%.

Tiwala si Herrera na mas magagawa ito ng mga LGUs ng mas maayos at mas mabilis kumpara sa national government dahil nakatutok at alam ng mga ito ang tunay na sitwasyon sa kanilang lugar.

Bukod dito, may kapangyarihan din ang mga LGUs sa kanilang mga otoridad hanggang sa mga barangay tanod kaya makapagtatakda ng malinaw na law enforcement laban sa mga lalabag sa kautusan sa pag-iingat sa pandemya.

Facebook Comments