Cauayan City, Isabela- Tuluyang kinumpiska ng mga operatiba ng Consumer Protection Division ng DTI Isabela katuwang ang ilang kawani ng LGU Mallig ang labing isang (11) piraso ng timbangan na nakitaan ng depekto sa isinagawang surprised inspection partikular sa pampublikong pamilihan ng nasabing bayan.
Mula sa 81 weighing scales na sinuri ng mga operatiba ay nasa labing isang timbangan ang nakitaan ng hindi wastong pagbibigay ng timbang sa mga binibili ng mga mamimili.
Agad namang ipinasakamay sa LGU ang mga nakumpiskang depektibong timbangan para sa kaukulang disposisyon habang pinaalalahanan naman ang mga may-ari ng nakumpiskang timbangan.
Samantala, nagsagawa rin ng monitoring ang Consumer Protection Division Team sa dalawampung establisyimento upang masiguro na sumusunod ang mga ito sa Fair Trade Laws.
Isa sa mga binisitang establisyimento ay naisyuhan ng Notice of Violation dahil sa hindi pagsunod sa RA 4109 o Product Standards Law.
Nasa 35 uncertified electric items naman ang nakumpiska sa naturang establisyimento na tinatayang aabot sa halagang mahigit tatlong libong piso.
tagsL LGU Mallig, DTI Isabela, Luzon