Halos 200,000 naimprentang mga balota, depektibo ayon sa COMELEC

Kinumpirma ng Commission on Elections (COMELEC) na 178,998 na mga naimprentang mga balota ang depektibo.

Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, katumbas ito ng 0.28 percent ng 67. 4-M na balota na gagamitin sa halalan sa Mayo 9.

Ayon kay Garcia, susunugin ang mga depektibong balota sa harap ng media at ng mga kinatawan ng mga political party.


Sa ganitong paraan, magiging kampante ang taongbayan na malinis ang idadaos na eleksyon.

Nasa 6-M naman ang nasa quality control at subject for verification.

Facebook Comments