Mga Lokal na Media, Pinasalamatan ni Mayor Bernard Dy

20
Cauayan City, Isabela- Personal na nagbigay ng pasasalamat sa mga lokal na media si Cauayan City Mayor Bernard Dy sa isinagawang press conference kasabay ng Cityhood Anniversary kahapon.

Lubos ang kanyang pasasalamat sa mga media na naging nakatuwang aniya ng LGU sa pagpapalaganap ng mga impormasyon at mga nagawa nito sa Lungsod ng Cauayan.

Sa kanyang mensahe ay itinuturing na aniya nitong kapamilya ang mga media sa loob na rin ng siyam na taon ng paninilbihan bilang ama ng tinaguriang Ideal City of the North.

Umaasa naman ito na kung ano man ang magandang ipinakita at pinagsamahan sa mga mamamahayag sa Lungsod ay ganun din ang maipapakita sa susunod na uupong alkalde ng Cauayan.

Facebook Comments