116 OFWS, convicted sa iba’t ibang krimen sa abroad; 25 Pinoy workers, nasa death row

Kinumpirma ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na 116 Overseas Filipino workers (OFWs) ang convicted ngayon sa iba’t ibang krimen sa ibayong dagat.

Ayon kay Cacdac, 25 sa mga ito ang nasa death row.

Kinumpirma naman ni Cacdac na bumaba ngayon ang bilang ng OFWs na convicted sa parusang kamatayan.

Ito ay dahil nagtutulungan aniya ang Department of Migrant Workers (DMW) at ang Department of Foreign Affairs (DFA) para sa commutation o sa pagpapababa ng hatol.

Sinabi ng kalihim na mula sa 50-60 OFWs na nasa death row, 25 na lamang ang bilang nito ngayon.

Facebook Comments