Naka-ambang food crisis, napaghandaan na ng DA

Naikasa na ng Department of Agriculture (DA) ang ilang mga hakbang upang maagapan o mapaghandaan ang naka-ambang food crisis na inaasahang mararanasan sa ikalawang semestre ng taon.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Agriculture Sec. William Dar na mayroon ng intervention na ginagawa ang pamahalaan 3 buwan na ang nakakaraan.

Kabilang aniya rito ang pagpapataas ng local food productions tulad ng palay, mais, gulay at iba pa.


Namamahagi na rin sila ng biofertilizers dahil sa ngayon ay napakamahal ng presyo ng abono sa merkado.

Kabilang din ang local feeds formulation at production, paghihikayat sa urban agriculture, pamamahagi ng fingerlings o aquaculture fisheries at food mobilization o pagpapakalat ng mga kadiwa markets.

Facebook Comments