Senado, inaasahang makakalipat sa bagong gusali nito sa huling bahagi ng 2024

83

Umaasa si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at iba pang mga senador na makakalipat na sila sa bagong gusali sa huling bahagi ng taong 2024.

Kamakailan lang ay binisita nina Zubiri, Senate President Tito Sotto III, Senator Nancy Binay at Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson ang itinatayong gusali ng Senado sa Naval Village, Fort Bonifacio, Taguig City.

Kanilang pinangunahan ang simpleng dedication ceremony kung saan isinagawa ang simbolikong lowering of time capsule.


 

Matapos ang seremonya ay nag-inspeksyon ang mga senador sa construction site at humingi rin sila ng update mula sa mga engineers at manggagawa sa lugar.

Sabi ni Sotto, masaya pero malungkot din na iiwanan ng senado ang inuupahang gusali sa Pasay City sa loob ng dalawang dekada.

Pero tiwala si Sotto na ang paglipat sa bago at sarili nitong gusali sa Taguig ay simula ng mas mahusay na chapter para sa mataas na kapulungan.



Facebook Comments