Ayon kay DA Regional Executive Director Narciso Edillo, walong baboy ang tinamaan ng ASF mula sa Brgy. San Andres habang apat ang naitalang tinamaan sa Brgy. Bangan at isa namang alagang baboy na nasa compound ng isang unibersidad.
Dagdag ni Edillo, nagpatupad na sila ng ground zero precautionary measures sa lugar kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas at pagpasok ng mga produktong baboy sa 1km radius.
Nagsasagawa na rin ng regular na disinfection upang masigurong hindi na kakalat pa ang sakit.
Kaugnay nito, hinimok ng opisyal ang lahat ng hog raisers na ipatala ang kanilang mga alagang baboy sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) upang masiguro at makakuha ng ayuda sakali man na ito ay tamaan ng sakit.
Patuloy naman ang panawagan sa publiko na kaagad na ipagbigay-alam sa tanggapan ng kagawaran sakaling makitaan ng sintomas ng sakit ang kanilang mga alagang baboy.