100% working site capacity sa mga korte sa mga lugar na nasa Alert Level 1, pinaiiral na muli

46

100% na muli ang working site capacity sa mga korte na nasa ilalim ng Alert Level 1.

Noong Hulyo kasi ay nilimitahan ng Korte Suprema ang mga on site personnel sa mga hukuman dahil sa pagtaas muli ng kaso ng COVID-19.

Pero sa pinakahuling circular mula sa Office of the Court Administrator, fully operational na muli ang mga nasabing korte at judicial offices mula Agosto 1.


Ibig sabihin ay full on-site na rin na kailangan na pumasok ang mga court personnel.

Para naman sa mga nasa Alert Level 2 areas, pisikal na bukas ang mga korte pero limitado sa 80% ang mga empleyado.

Hindi na rin pinapayagan ng Supreme Court ang fully remote videoconferencing hearings.



Prayoridad na ang pagsasagawa ng face-to-face hearings.

Facebook Comments