12 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng ₱81.6M, nasamsam sa Pasay

Arestado ng Pasay City Police ang isang high-value individual dahil sa pag-iingat ng 12 kilograms ng suspected shabu.

Ayon sa pulisya, nagkakahalaga ang shabu ng ₱81.6 million.

Ang operaayon ay nag-ugat sa report ng confidential informant hinggil sa isang babaeng nag-deliver ng illegal drugs sa kahabaan ng Seaside Boulevard, Barangay 76, Pasay City.

Kinilala lamang ang bente sais anyos na si alias “Farhanie”.

Dinala na ang nasamsam na suspected shabu sa Southern Police District Forensic Unit para sa laboratory examination.

Nakatakda namang isailalim ang suspek sa inquest proceedings sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Facebook Comments