12 LGUs, Nagpaabot ng Donasyon sa Pag-ere ng ‘Radyo-Eskwela sa Isabela’

Cauayan City, Isabela- Nagkaloob ng tulong pinansyal ang Provincial Government ng Isabela at ibang Local Government Units para sa airtime cost sa pagpapatuloy ng Schools Division Office (SDO) Isabela’s Radio-Based Instruction o ‘Radyo Eskwela sa Isabela’ ngayong 2021.

Partikular na nagtulong-tulong ang mga LGUs na kinabibilangan ng Burgos, Cabatuan, Palanan, San Agustin, San Isidro, San Manuel, Quezon, Mallig, Reina Mercedes, Roxas, San Agustin, San Manuel at PHILRECA Partylist para punan ang airtime cost mula Enero 10 hanggang Marso 9.

Una nang nagbigay ng donasyon ang tanggapan ni Isabela Vice-Governor Bojie Dy ng P125,000 para tugunan ang radio episodes mula Disyembre 10, 2020 hanggang Enero 9, 2021.


Samantala, ilang kongresista at private individuals ang nagpaabot rin ng suporta para gamitin naman sa darating na buwan ng Marso hanggang Hunyo ngayong taon.

Noong nakaraang taon, nagbigay ng donasyon ang LGU Roxas at Gamu ng tig-P50,000 para pondohan ang buwan ng Nobyembre hanggang Disyembre sa ilalim radio-based instructions.

Facebook Comments