12 SCAMS OF CHRISTMAS, DAPAT IKAALERTO NG PUBLIKO- PDRRMO

Dapat maging alerto at mapanuri sa mga posibleng maglipanang scam ngayong kapaskuhan o ang tinatawag ng Cybercrime Investigation and Coordination Center “12 Scams of Christmas” ayon sa Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Ngayong papalapit ang kapaskuhan, maaaring tumaas ang bilang ng online scams kasabay ng pagtangkilik sa online shopping, transaksyon, at holiday promos.

Ayon sa tanggapan, kabilang dito ang online shopping scam, fake delivery, call, task/job, investment, love,loan, impersonation, travel, charity, middleman, at online gambling scam.

Ayon sa PDRRMO, mahalagang maging mapanuri at i-verify ang bawat transaksyon online upang maiwasang mabiktima.

Pinayuhan rin ang publiko na huwag basta mag-click ng kahina-hinalang links, huwag magbahagi ng personal na impormasyon, at i-report agad ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa awtoridad.

Mensahe ng tanggapan, huwag hayaang masira ng scammers ang diwa ng Pasko at manatiling alerto sa anumang uri ng panlilinlang. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments