Dalawang araw bago ang bisperas ng Bagong Taon, lalo pang dumagsa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga pasahero sa domestic at international destinations.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), sa NAIA 3 pa lamang ay pumalo na sa 120,000 ang average na bilang ng mga pasahero sa nakalipas na tatlong araw.
Sinabi ng MIAA na ngayong gabi at bukas ay inaasahan nila na mas marami pa ang mga pasaherong dadagsa sa airport.
Bunga nito, muling nagpaalala si MIAA General Manager Cesar Chiong sa mga pasahero na tatlong oras bago ang kanilang flight ay dapat nasa NAIA na sila.
Una nang nakipagpulong si Chiong sa 30 kinatawan ng airline companies na nag-o-operate sa NAIA terminals kung saan tinalakay ang pagpapagaan sa proseso ng pagbiyahe ng air passengers.