13 anyos, patay matapos pagbabarilin sa Quezon City; Biktima, nagmakawa pa umano sa salarin bago mabaril sa ulo

Quezon City – Patay ang isang 13-anyos na binatilyo matapos pagbabarilin ng isang lalaking nakamotorsiklo sa Quezon City.

Nakaupo lamang sa harap ng kanilang bahay ang biktimang si Jayross Brondial nang pagbabarilin sa ulo ng isang lalaki na nakasuot ng itim na jacket at sakay ng motorsiklo.

Ayon sa ina ng biktima na si Rosanna – nagmamakaawa pa ang kanyang anak sa salarin.


Nakatutok sa ibang direksyon ang baril ng motorider pero sa huli ang kanyang anak ang pinuruhan.

Hindi na umabot sa ospital ang biktima.

Narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng bala ng kalibre 45 baril.

Inaalam pa ang motibo sa pamamamaril.

Facebook Comments