Pulis na inireklamo dahil sa pamamaril, arestado!

Caloocan City – Arestado ang isang pulis matapos na ireklamo ng pamamaril sa Caloocan City.

Kinilala ang suspek na si PO2 Regie Daligdig Neuva Espana na kasalukuyang nakatalaga sa Malabon Municipal Police Station.

Sa ulat ng PNP Counter Intelligence Task Force (PNP CITF), inireklamo si Espana ng isang Ricky Sigconan dahil pinaagbabaril umano siya sa isang bar and restaurant sa Caloocan.


Tatlong beses pinaputukan ng pulis na suspek si Sigconan na aniya ay lango sa alak ng mga oras na iyon.

Kinuha raw ng suspek ang dalawang basyo ng bala ng baril na kanyang ipinutok habang nakuha pa ang biktima ang isang empty shell na kanya namang ibinigay sa mga imbestigador ng CITF para magsilbing ebidensya.

Sa ngayon, nakakulong na ang suspek sa CITF headquarters sa Camp Crame.

Facebook Comments