Kalibo, Aklan— Kulong ang 13 lalaki na sangkot sa illegal na sabong sa Brgy. Caano, Kalibo sa ikinasang operasyon ng Kalibo PNP at APPO. Kinilala ang mga naaresto na sina Rajah Nolinie Quitobera 31 anyos ng Brgy. Caano Kalibo, Rolly Dela Rosa 59 anyos, Reynaldo Estenor 37 anyos residente ng Brgy. Pook Kalibo, Juvel Galopo 28 anyos, James Vincent Gonzales 20 anyos, Mark Judie Galopo 29 anyos, Deo Cipriano 30 anyos, Andrew Daroy 39 anyos, Rolando Regalado 48 anyos, Ace John Andrade 18 anyos, Jover Berte 28 anyos residente ng Brgy. Mabilo Kalibo, Ramen Malbas 31 anyos at Joseph Lura 36 anyos ng Brgy. Pook Tugbungan. Ayon sa mga otoridad na nakatanggap sila ng impormasyon tungkol sa illegal na sabong pasado alas 10 ng umaga sa loobang bahagi ng mga palaisdaan kung saan agad na ikinasa ang nasabing operasyon. Nagkipaghabulan pa sa mga operatiba ang mga sangkot kung saan ilan sa mga ito ay tumalon pa sa palaisdaan habang ang iba naman ay nakatakas. Narecover ang mga manok na may nakalagay pang tari, pera at mga cellphone ng mga otoridad habang naiwan rin ng mga nagpulasang suspek ang ilang pares ng tsenelas at mga motorsiklo. Sa ngayon mahaharap sa kasong paglabag sa illegal cock fighting law ang mga suspek at kasalukuyang nakapiit sa Kalibo Police Station.
13 arestado dahil sa illegal na sabong
Facebook Comments