13 indibidwal, nasawi matapos mahulog sa isang balon sa Northern India

Nasa 13 na indibidwal ang namatay matapos maaksidenteng mahulog sila sa isang balon sa Northern India.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, dumalo ang mga biktima sa isang wedding ceremony.

Nakaupo ang mga biktima sa isang bakal na nagsisilbing takip ng nasabing balon.


Hindi umano nito kinaya ang bigat ng mga biktima kaya’t bigla na lamang itong bumigay.

Samantala, magbibigay naman si Prime Minister Narendra Modi ng tulong sa mga nasawi at sa mga pamilya nito.

Facebook Comments