Rayver Cruz, naka-move on na sa hiwalayan nila ni Janine Gutierrez pero, Janine, hindi pa raw naka-get over?

How true ang chika na hindi pa raw nakaka-move on ang aktres na si Janine Gutierrez sa kanilang hiwalayan ng ex-boyfriend nito na si Rayver Cruz?

Ito ang chika ni Cristy Fermin sa kaniyang digital show na “Cristy Ferminute” kasama si Romel Chika.

Say ni Cristy, may mga naririnig siya na parang apektado si Janine kay Julie Anne San Jose matapos magkasama kasi si Julie Anne at Rayver sa isang reality talent competition sa Kapuso Network.


Aniya, kahit tapos na ang naturang programa ay magkasama pa rin ang dalawa.

Pagdidiin pa ng veteran showbiz columnist, kumakalat talaga na apektado pa rin si Janine at hindi pa talaga ito nakaka-get over sa relasyon nila ni Rayver.

Ayon pa kay Cristy, single naman ngayon si Julie Anne at kung lagi talaga magkasama sila ni Rayver ay baka mauwi na yung sa katotohanan.

Samantala, nagsalita na rin si Rayver Cruz sa nangyaring hiwalayan nila ng dating nobyang si Janine Gutierrez.

Kinaklaro ni Rayver na walang “third party” sa kanilang hiwalayan.

Ayon pa sa aktor, masasabi na niya ngayong 2022 na masaya at naka-move on na siya.

Sinabi rin ni Rayver, handa na siya ngayon ulit magmahal kung may darating sa buhay niya.

Facebook Comments