Monday, September 14, 2026

13 presinto sa Maluso, Basilan, hindi pa nakakaboto —PNP

Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na may 13 presinto pa sa Maluso, Basilan ang hindi pa nakakapagsimula sa pagboto kasabay ng pagsisimula ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections.

Ayon kay PNP Public Information Office (PIO) Chief PCol. Allen Rae Co, hinihintay pa kasi ng nasabing mga presinto ang mga panibagong balota mula sa Commission on Election (COMELEC) matapos na makakuha kanina ng mga pre-shaded na mga ballot sa nasabing lugar.

Binigyang-diin naman ng PNP na nananatiling generally peaceful ang nagaganap na makasaysayang eleksyon sa BARMM.

Una nang ipinaliwanag ng PNP na mas maraming lugar pa rin sa rehiyon ang payapa sa kabila ng mga naiulat na insidente na tinuturing na isang isolated cases.

Facebook Comments