Monday, September 14, 2026

Suplay ng fertilizer sa gitna ng banta ng El Niño, sapat pa —PBBM

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sapat ang suplay ng abono sa bansa, kahit nananatiling mataas ang presyo nito.

Ayon kay Pangulong Marcos, bumaba na ang presyo ng fertilizer matapos ang biglaang pagtaas nito noong unang bahagi ng taon.

Handa rin aniya ang gobyerno na magbigay ng subsidiya kung kinakailangan upang matulungan ang mga magsasaka na makayanan ang mataas na gastos sa produksyon.

Dagdag pa ng pangulo, mahalaga ang suporta sa mga magsasaka habang inaasahang haharap ang sektor ng agrikultura sa epekto ng El Niño.

Nagsimula ang pagtaas ng presyo ng fertilizer kasunod ng kaguluhan sa Middle East na nakaapekto sa pandaigdigang suplay at transportasyon ng mga produktong kailangan sa paggawa ng abono.

Facebook Comments