13 volcanic earthquakes, naitala ng PHIVOLCS sa Bulkang Pinatubo

72

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 13 volcanic earthquakes sa Bulkang Pinatubo sa nakalipas na 24 oras.

Sa kabila nito, walang nakikitang senyales ang ahensya ng posibleng pagputok nito sa nalalapit na panahon. Sa ngayon, nananatiling nakataas ang Alert Level 1 sa bulkan.


Sa ngayon, nananatiling nakataas ang Alert Level 1 sa bulkan.

Paalala ng PHIVOLCS sa publiko na mag-ingat sa pagpasok sa Pinatubo crater o hangga’t maaari ay iwasang magtungo malapit sa bulkan.

Patuloy ring magbabantay ang PHIVOLCS sa kalagayan ng Bulkang Pinatubo at ang anumang pagbabago nito ay agad na ipararating sa lahat ng mga kinauukulan.

Facebook Comments