CASH ASSISTANCE PARA SA MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG HARABAS SA BAYAMBANG NAIBIGAY NA

Nakapagbigay ng cash assistance ang lokal na pamahalaan ng Bayambang sa tulong ng MDRRMO, Department of Agriculture at Treasury Office sa mga biktima ng harabas sa naturang bayan.
Umabot ng 827,227.50 pesos ang halagang naipamigay na tulong sa 15 na barangay na binubuo ng 415 na benepisyaryo.
Ang mga benepisyaryo ay mga magsasaka na labis ang kanilang mga tanim na sibuyas noong nakaraang taon dahil sa pag atake ng harabas sa tanim na sibuyas na umabot sa pag-force harvest ng mga ito.
Base sa treasury office, ang susunod na iskedyul ng cash assistance ay sa susunod na Linggo, ika-22 ng Hunyo.

Facebook Comments