Kalibo, Aklan – Nasa 130 milyon ang nakalaang pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa rehabilitasyon ng national highway sa Eastern Side ng Aklan. Ito ang inihayag ni DPWH-Aklan OIC District Engineer De Gener J. Abergas sa panayam ng Rmn DYKR Kalibo. Ayon sa kanya na hinihintay na lang ang pag release ng nasabing pondo para masimulan ang nasabing rehabilitasyon. Samantala, humingi naman si Abergas ng pag-unawa at kunting tiis ang mga motorista sa mga potholes na makikita ngayon sa national highway mula Banga hanggang Altavas dahil hindi naman nagpapabaya ang kanilang opisina at sadyang hindi lamang umaayon ang panahon dahil sa laging umuulan. Ayon sa kanya na ang unang kalaban ng aspalto ay tubig kaya magiging walang silbi ang paglalagay nila ng aspalto sa mga potholes kung uulanin lang din at mas lalo pang dadami ito. Maliban rin aniya sa ulan ay isa pang dahilan ng pagkakaroon ng mga potholes ay ang pagdaan ng mga malalaking sasakyan na overloaded na. Ang kanilang mga maintenance personnel ay hindi rin nagpapabaya aniya kaya sana makita rin ang kanilang paghihirap.
Facebook Comments