1,3000 FIRECRACKERS, SINIRA NG PRO2

CAUAYAN CITY – Isinagawa ng Police Regional Office 2 (PRO 2) ang pagsira sa mga nakumpiskang firecrackers katuwang ang Bureau of Fire Protection (BFP).

Ilan sa mga nakumpiskang paputok ay ang “kwitis,” Rambo fountain, luces, boga, piccolo, Juda’s belt, “bawang,” whistle bomb, five star, sparkler, poppop at iba pa.

Sa naging pahayag ni Police Brigadier General Antonio Marallag Jr, PRO2 Regional Director, ang aktibidad ay bahagi ng kampanya ng kapulisan tungkol sa peligrong dala ng mga paputok.


Bukod dito, ito rin ay hakbang upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat mamamayan sa Rehiyon Dos tuwing holiday seasons.

Facebook Comments