13TH NATIONAL YOUTH PARLIAMENT REGION VI, ISINAGAWA SA PROBINSYA NG AKLAN

Kalibo, Aklan – Malaking karangalan para sa probinsya ng Aklan matapos na ito ay napili na lugar kung saan isasagawa ang tatlong (3) araw na National Youth Parliament sa Region VI, ngayong taong 2023. Nilahukan ang National Youth Parliament ng mga youth leaders mula sa Negros Occidental, Sipalay City, Iloilo City, Guimaras, Roxas City, Antique at ang probinsya ng Aklan. Naging bisita naman sa nasabing programa si NYC Commissioner-at-Large at Chairperson ng Committee on Active Citizenship, Asec. Laurence Anthony Diestro na kung saan, inilahad nito sa mga kabataan ang oportunidad na maipabatid sa mga kinauukulan ang mga isyu sa rehiyon. Nasa nasabi ring programa sina Hon. Blessie Jizmundo, SK Prov’l Federation President, at Sangguniang Bayan Member ng, Hon. Phillip Kimpo. Samantala, magpapatuloy ang pagbibigay ng halaga at atensyon sa mga ganitong programa, sapagkat naniniwala si Governor Jose Enrique ‘Joen’ Miraflores kasama si Vice Governor Atty. Reynaldo ‘Boy’ Quimpo, na ang mga kabataan ang susunod na mamumuno ng bansa. Photos Courtesy of National Youth Commission
Facebook Comments