Kalibo, Aklan- Nakatapos na sa pamamahagi ng Social Amelioration Program(SAP) ang 13 na mga bayan sa probinsiya ng Aklan.
Ito ay kinabibilangan ng bayan ng Altavas, Balete, Batan, Buruanga, Ibajay, Lezo, Libacao, Madalag, Malay, Nabas, New Washington, Numancia at Tangalan.
Sa datos ng DSWD 6 as of May 26, 2020 ay aabot na sa 102 na mga LGUs ang nakatapos sa SAP distribution sa buong Western Visayas.
Ito ay kinabibilangan ng 26 LGUs sa Negros Occidental, 21 sa Iloilo, 17 sa Antique, 14 sa Capiz, 5 sa Guimaras at 13 sa Aklan.
Maliban sa mga nabanggit na mga LGUs, nakatapos na rin ang anim na mga LGUs sa rehiyon ngunit may mas mababa na bilang ng mga benificiaries kung ikokompara sa orihinal na target.
Ito ay ang bayan ng Dingle at Badiangan sa Iloilo, Ivisan at Dumalag sa Capiz, Victorias City sa Negros Occidental at bayan ng Makato sa Aklan.
Ikinatuwa naman ni Regional Director Ma. Evelyn Macapobre ang mabilis na pamamahagi ng mga naturang mga LGUs.
Habang karamihan pa sa mga natitira ay malapit na ring makatapos at inaasahang hindi ito lalagpas sa May 27 bilang itinalagang deadline ng ahensiya.
Sa ngayon ay mayroon na lamang 31 na nalalabing bayan kung saan 21 sa Iloilo, 5 sa Negros Occ., 3 sa Aklan at tag iisa sa Capiz at Guimaras nagpapatuloy ang pamamahagi.
Napag alamang 1,114,936 na ang mga family benificiaries ang nakatanggap ng P6,000 na ayuda o 96.63% na non-Pantawid target ng rehiyon.
Sa kabuuan ang DSWD ay may target na 1,153,784 na SAP benificiaries.
14 LGUs SA AKLAN, NAKATAPOS NA NG SAP DISTRIBUTION
Facebook Comments