145 NAITALANG AKTIBONG KASO NG DENGUE SA PROBINSYA NG AKLAN

Kalibo, Aklan — Umabot na sa 145 ang naitalang aktibong kaso ng dengue sa probinsya ng Aklan mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon.
Base sa tala ng Provincial Health Office Aklan, narito ang mga bayan na merong kaso ng nasabing sakit.
Ibajay -28
Kalibo -24
Malay -21
Nabas -16
Banga, Balete, Numancia at Buruanga na may tag -7
Makato at Lezo na may tag – 5
Tangalan, New Washington at Malinao na may tag – 4
Libacao-3
Batan- 2
Madalag at Altavas na may tag -1
Dahil dito ay patuloy pa rin ng paalala ng Provincial Health Office sa publiko na ugaliing gawin ang 4s Strategy na Search and destroy mosquito breeding sites, Secure self-protection, Seek early consultation and Support fogging in hotspot areas.
Facebook Comments