Babae, arestado matapos subukang magpuslit ng iligal na droga sa kulungan

Manila, Philippines – Isang babae ang arestado matapos subukang magpuslit ng iligal na droga sa kulungan sa Calapan City, Oriental Mindoro.

Kinilala ang suspek na si Luning Guimbao, asawa ng isang preso na nakasuhan dahil sa pagtutulak ng iligal na droga.

Nakapkap sa bulsa ng suspek ang coin purse na naglalaman ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu, mga drug paraphernalia at P200.00


Itinanggi naman ng ginang ang akusasyon at sinabing napag-utusan lamang siya na dalhin ito sa loob ng nasabing kulungan.

DZXL558

Facebook Comments