15 ANYOS NA INUTUSAN UMANONG MAGHUGAS NG PINGGAN, NAGPATIWAKAL

25
Isang binatilyo ang nagpakamatay sa Allacapan, Cagayan noong noong Agosto 17, 2022.

Kinilala ang biktima na si alyas Enzo, 15 taong gulang, estudyante at residente ng naturang lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan sa PNP Allacapan, nakatanggap sila ng tawag ukol sa insidente galing sa Brgy. Kapitan na agad naman nilang nirespondehan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, nagkaroon ng di pagkakaunawaan ang biktima at ang ate nito matapos utusan maghugas ng plato at kumpiskahin ang kanyang cellphone.

Bandang alas 4:00 ng hapon ng kaparehas na araw ay natagpuang nakabitin ang katawan ng binatilyo sa loob ng kanilang kwarto gamit ang kumot.

Nagawa pang isugod sa Municipal Health Office ng Allacapan ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival ng attending physician.

Facebook Comments