MANGHUHULA, ARESTADO MATAPOS MAMBIKTIMA NG ISANG BABAE

33
Arestado ang isang manghuhula matapos mabiktima ng isang babae matapos ang isinagawang entrapment operation ng mga awtoridad sa Iguig, Cagayan noong Agosto 17, 2022.

Kinilala ang suspek ay kinilala na si alyas Marla, 48 taong gulang, manghuhula at residente ng Dubinan West Santiago City habang ang biktima naman ay kinilala na si alyas Vanna, 38 taong gulang, walang asawa at residente ng Brgy. Ajat,Iguig, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Iguig, personal na pumunta sa istasyon nila ang biktima upang iulat ang nangyari.

Ayon sa biktima, biglang sumulpot ang suspek at binasa ang kanyang palad upang malaman umano ang kanyang kapalaran at humingi ng bayad.

Nang sinabi nito na 100 lang ang pera nito at kinuha ulit ng suspek ang kanyang kamay at sinabing “May apat na sagabal sa buhay mo kaya hindi maayos ang buhay mo kung gusto mo gamutin kita bayaran mo ako”.

Sinabi ng suspek na babalikan nito ang babae kinabukasan upang kunin ang kanyang balance sa bayad.



Nagulat ang biktima dahil wala naman silang naging kasunduan.

Naaresto naman ang suspek sa isinagawang entrapment operation ng mga awtoridad sa Brgy. Ajat, Iguig, Cagayan bandang 1:40 ng hapon noong Agosto 17, 2022.


Nakumpiska mula sa p g-iingat ng suspek ang tatlong piraso ng 100 pesos, tatlong 500 pesos boodle money na ginamit na boodle money sa operasyon.

Ang suspek ay dinala sa kustodiya ng Iguig PS para sa dokumentasyon at wastong disposisyon.

Facebook Comments