BRGY. KAGAWAD, NAHULIHAN NG BARIL AT MGA BALA

Arestado ang isang Brgy. Kagawad na nahulihan ng baril at mga bala matapos isilbi ng mga awtoridad ang search warrant sa Solana, Cagayan kaninang umaga, Agosto 19, 2022.

Kinilala ang suspek na si alyas Allan 58 taong gulang at residente sa naturang lugar.

Nahuli ang suspek matapos makumpiskahan ng isang yunit ng Cal. M16 rifle na may serial no. RP140502 (PNP property), pitong pirasong long steel magazine na kargado ng 162 pirasong bala, isang yunit ng M1911 cal. 45 na may serial no. P1674881, dalawang pirasong steel magazine para sa M1911 na may 15 na bala, isang pirasong magazine para sa glock cal. 9mm, isang box na naglalaman ng dalawampu’t tatlong pirasong bala para sa cal. 22, pitong pirasong bala para sa cal. 38, isang pirasong bandolier at isang holster sa operasyon ng pinangunahan ng Provincial Intelligence Unit/ Provincial Drug Enforcement Unit kasama ang Solana PS at EOD/K9.

Ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya ay nasa kustodiya ng Solana PS para sa dokumentasyon at wastong disposisyon.

Facebook Comments