15 bata mula Muntinlupa at Las Piñas City, nagpasalamat sa isinagawang Radyo Trabaho gift-giving activity

Nasa 15 bata mula sa Las Piñas at Muntinlupa City ang napasaya ng DZXL Radyo Trabaho at RMN Networks.

Ito’y bahagi ng Radyo Trabaho gift-giving activity kung saan layunin nitong matulungan at mabigyan sa simpleng paraan ang mga batang lansangan ng kasiyahan at pagmamahal sa gitna ng pandemya dulot ng COVID-19.

Bawat bata ay nabigyan ng exclusive Radyoman t-shirt, customized DZXL face mask at pasalubong bundles mula sa DZXL Radyo Trabaho at RMN Networks.


Partikular na pinuntahan ng Radyo Trabaho Team ay ang Brgy. Almanza Uno, Talon Dos at Almanza Dos sa Las Piñas at Brgy. Alabang, Cupang, Putatan sa Muntinlupa City.

Ilan sa kanila ay nakasalubong sa daan habang ang ilan ay kasa-kasama ang kanilang magulang sa pagtitinda at ibang mga bata ay suma-sideline sa parking sa tapat ng convenience store.

Nagpapasalamat naman ang mga bata gayundin ang kanilang mga magulang lalo na’t ang mga anak nila ngayon ay isa na sa mga Batang RT – Batang Tatak DZXL.

Ito na ang ikalawang araw ng pag-iikot ng DZXL Radyo Trabaho Team at bukas, tutungo naman ang grupo sa lungsod ng Taguig, Makati, Pasig, Mandaluyong, Marikina at Pateros.

Facebook Comments