15 Bayan sa Cagayan Valley, Apektado ng African Swine Fever

*Cauayan City, Isabela*-Umakyat na sa 15 bayan sa buong Lambak ng Cagayan ang naitalang apektado ng African Swine Fever.

Ayon kay Regional Director Narciso Edillo, ito ay kinabibilangan ng mga bayan ng Quezon, Quirino, Mallig, Aurora, Roxas, San Manuel, Gamu, Cordon, Jones, Reina Mercedes, Echague at San Pablo sa Isabela.

Habang naitala ang isa sa Solana, Cagayan; 1 sa Bayombong, Nueva Vizcaya at 1 rin sa Saguday sa Probinsya ng Quirino.


Paglilinaw naman ni Edillo na walang lockdown sa lahat ng mga bayan na apektado ng nasabing sakit ng baboy at maaari pa rin magpasok ng mga produkto gaya ng live hogs, pork meat at by-prouducts subalit tiyakin lamang na mayroong mga sapat na dokumento gaya ng shipping permit, veterinary health certificate at meat inspection certificate.

Mahigpit pa rin ang isinasagawang checkpoint sa lahat ng entry at exit point sa Cagayan valley para maiwasan ang iligal na pagpasok ng mga karneng baboy.

Facebook Comments