15 patay, mahigit 100 sugatan sa wild fire sa Northern California

38

California – Umabot na sa 13 tao ang patay habang nasa 20,000 ang inilikas dahil sa malawakang wildfires sa Northern California.

Tatlong probinsya ng estado ang pinakaapektado ng sunog.

Sa datos ng California authorities, nasa 1,500 bahay at establisyimento ang natupok ng apoy.

Nasa 100 tao naman ang patuloy na nagpapagaling sa ospital matapos magtamo ng sunog sa balat, pagkalanghap ng usok at kawalan ng paghinga.

Aabot na rin sa 115,000 ektarya ng California ang nasusunog at 91,000 residente ang walang kuryente.

Sa ngayon, nakakatanggap rin sila ng 100 tawag hinggil sa mga nawawala.

Facebook Comments