Thinking Pinoy blogger RJ Nieto, pinapa-terminate ang kontrata bilang DFA consultant

135

Manila, Philippines – Pinapa-terminate na ng Thinking Pinoy blogger na si Rey Joseph (RJ) Nieto sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang kanyang kontrata sa pagiging consultant nito.

Ito ang inihayag ng blogger sa kanyang post sa Facebook.

Ayon kay Nieto – kapag naibigay na ang kanyang compensation sa loob ng tatlong buwang paninilbihan sa DFA ay ido-donate niya ito sa karapat-dapat na charity organization.

Nabatid na sumasahod lamang siya ng 12,000 pesos kada-buwan sa kagawaran.

Una na ring sinabi ni Nieto na mas kailangan siya ng DFA kaysa sa kailangan niya ito.

Wala pang sagot ang DFA hinggil dito.

Facebook Comments