15, patay sa magkahiwalay landslides sa Banaue at Nueva Vizcaya

59
Photo Courtesy: Nueva Vizcaya PPO

Umabot na sa 10 ang namatay kasunod ng pagguho ng lupa sa isang minahan sa bayan ng Quezon, Nueva Vizcaya.

Ayon kay Nueva Vizcaya Police Provincial Director Colonel Ransel Evasco, ang landslides ay nangyari sa tatlong sitio sa Barangay Runruno.


Unang narekober ang limang katawan nitong Huwebes.

Muling ipinagpatuloy ang search operation kahapon at dito natagpuan ang lima pang bangkay.

Samantala, aabot naman sa lima ang patay sa landslide na nangyari sa Banaue, Ifugao.

Ayon kay Ifugao Police Office Provincial Director Police Colonel David Mariano, natabunan ng lupa ang isang bahay sa Barangay View Point.




Kabilang sa mga narekober na bangkay ay isang tatlong taong gulang na bata.

Ipagpapatuloy ang search and rescue operations dahil pinaniniwalaang mayroon pang na-trap sa ilalim ng mga debris.

Facebook Comments