16 patay, matapos ang landslide sa Nepal

75

Patay ang 16 katao habang 40 pa ang nawawala matapos ang nangyaring landslide dahil sa malakas na pag-ulan sa bahagi ng Kathmandu, Nepal.

Ayon kay Disaster Deputy Superintendent Police Madhav Prasad Kafle, nagsasagawa na ng search and rescue operation ang mga sundalo at mga pulis para alamin kung ilan ang mga apektadong pamilya.


Sa ngayon ay aabot sa 37 kabahayan ang nasira sa lugar.

Facebook Comments