Gretchen Ho, mamimigay ng 50 bisikleta para sa frontliners

54

Mamigay ng 50 bisikleta ang TV host at dating volleyball player na si Gretchen Ho para sa mga deserving frontliners na matiyagang naglalakad para sa kanilang trabaho.

Sa Instagram post ni Ho, ipamimigay niya ang 50 bike sa deserving individuals na kayang patunayan na talagang kailangan ng tulong ng bawat isang empleyado o manggagawa na nakararanas ng “no work, no pay” sa kanilang kompanya.


Dagdag pa ni Ho, sa mga gustong magkaroon ng bisikleta ay maaaring mag-apply sa naka-link sa kaniyang Instagram account at ibahagi o ipakita kung bakit ka deserving na makakuha ng munting regalo at hintayin lamang na tawagan ng kaniyang team.

Layunin ni Ho na mapalakas at maipagpatuloy ang laban ng bawat manggagawa o empleyado na maabot ang kanilang mga pangarap sa gitna ng krisis sa COVID-19.

Facebook Comments