16 SPECIES NG IBON, NASILAYAN KASABAY NG PARAKAD FESTIVAL 2025 SA SAN FERNANDO CITY, LA UNION

Nasilayan ng mga opisyal at kalahok sa San Fernando City, La Union ang abot labing-anim na specie ng ibon kasabay ng pagdaraos ng Parakad Festival ngayong taon.

Kabilang dito ang Black-winged Stilt; Common Sandpiper; Little Egret; Purple Heron;
Pond Heron; Brahminy Kite; Chestnut Munia; Eurasian Tree Sparrow at ilan pang specie na kadalasan napapadpad Mangrove Areas sa Brgy. Carlatan at Biday, sa nasabing lungsod.

Mula sa bird-watching, nagsagawa rin ng mangrove planting at clean up drive sa mga barangay maging ang parada ng balsa sa kahabaan ng Carlatan-Pagdaraoan Creek kung saan din pinakawalan ang mga floating lantern.

Binibigyang-pugay sa kapistahan ang halaga ng bakawan bilang proteksyon sa mga sakuna at suporta sa marine ecosystem, isang layunin na patuloy na itinataguyod sa pamamagitan ng pagtatanim nito upang maparami pa sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments