Nagpositibo sa drug test ang 17 driver sa isinagawang random drug screening ng Land Transportation Office (LTO) sa Cubao at Parañaque terminals nitong Setyembre.
Ayon kay LTO Special Legal Assistant to the Office of Assistant Secretary Alex Abaton, ang screening ay bahagi ng estratehiya ng LTO sa pagpapatupad ng anti-drunk at drugged campaign ng bansa habang bumabalik sa normal ang volume ng mga sasakyan sa mga kalsada.
Sa ilalim din aniya ng Republic Act 10586, hindi pwedeng tumanggi ang isang driver na hindi magpa-drug test dahil bahagi ito ng mandato ng LTO para pangunahan ang kampanya kontra ilegal na droga.
Sa kabuuan, nasa 188 na driver ang nasuri sa random drug screening.
Nauna nang sinabi ng LTO na magsasagawa pa ito ng mas maraming terminal inspections at quick random drug test sa mga PUV driver