
Kasabay ng pagtitiyak ng seguridad ngayong Semana Santa, inihahanda na rin ng Philippine National Police–Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang maigting nitong preparasyon para sa nalalapit na 48th ASEAN Leaders’ Summit and Related Summits na nakatakda sa May 8 hanggang 9.
Pinangunahan ni HPG Acting Director Police Brigadier General Rommel S. Batangan ang inspeksyon ng mga personnel at equipment na idedeploy sa Cebu.
Nasa kabuuang 170 HPG personnel, na binubuo ng 108 riders, 38 drivers, at 24 crew members, ang inaasahang idedeploy para suportahan ang security at traffic management operations sa nasabing aktibidad.
Ang mga nasabing personnel ay ita-turn over sa Presidential Security Command at mananatili sa Cebu hanggang May 10.
Magdedeploy din ang HPG ng 108 motorcycles at 38 service vehicles para tumiyak ng maayos na daloy ng trapiko at magsagawa ng escort operations sa nasabing international event.










