1,763 Barangay sa Region 2, Drug Cleared Na

*Cauayan City, Isabela- *Kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 2 na nasa 76% o 1,763 sa kabuuang 2,311 na mga barangay ang naideklarang drug-cleared sa rehiyon.

Ayon sa datos na inilabas ng ahensiya, ang probinsya ng Quirino, na may 132 na barangay, ay 100% drug-free habang pumapangalawa naman ang Batanes na 91%.

Pangatlo naman ang Isabela na may 84.18%; Nueva Vizcaya na may 76% at Cagayan na may 63.29% drug-cleared barangays.


Sa Lalawigan naman ng Cagayan, anim na ang idineklarang drug cleared municipality na kinabibilangan ng Sto. Niño, Sta. Praxedes, Rizal, Allacapan, Calayan at Sta. Ana.

Pinababatid naman ng ahensiya na hindi sila titigil sa pagsugpo at pagbawas ng supply ng ilegal na droga sa Lambak ng Cagayan kahit nasa kalagitnaan ng pandemiya na dulot ng COVID-19.

Facebook Comments