
Hindi na umaasa si Vice President Sara Duterte na magkakaroon ng patas na paglilitis para sa amang si dating pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).
Sa harap ito ng pagbubukas ng paglilitis para sa dating pangulo sa November 30 kaugnay sa mga kasong crimes against humanity.
Sa pulong balitaan ngayong Biyernes, sinabi ni VP Sara na naniniwala siyang may bahid politika ang ICC lalo’t maraming bansa na ang nagpahayag laban sa International Tribunal.
Samantala, unfair o hindi rin umano patas ang pag-utos ng korte sa kaniyang ama na personal na dumalo sa mga paglilitis dahil na rin sa kaniyang edad.
Dahil dito, hihilingin daw nila sa ICC na payagang dumalo sa paglilitis ang kaniyang sa pamamagitan ng virtual.
Pagtutuunan sa paglilitis ang mga pagpatay na nangyari mula 2013 nang magsilbing alkalde ng Davao City si Duterte hanggang 2019 nang kasalukuyan na itong presidente ng Pilipinas.










