18.2-M na Halaga ng Fishery Project, Ipinamahagi ng BFAR R02!

Cauayan City, Isabela- Binigyan ng tulong ng Bureau of Fishery and Aquatic Resources (BFAR) Region 02 ang mga mangingisda sa Lalawigan ng Isabela.

Nakinabang sa expanded Survival and Recovery o SURE Aid program ang mga mangingisda sa Lalawigan kung saan aabot sa halagang P18.2 milyong piso ng fishery projects ang naibigay sa mga ito.

Ayon kay Regional Director Milagros Morales ng BFAR Region 02 ay nakapagbigay sila sa pamahalaang panlalawigan ng 125 units ng non-motorized fishing banca, 110 unit ng motirized fishing banca at 1,000 sets ng ibat-ibang fishing gears.


Ang SURE Aid Launching Program ay dinaluhan ni Gov. Rodito Albano, Rep. Tonypet Albano, Rep. Sheena Tan, DA Asec. Andrew Villacorta, DA RFO2 RED Narciso Edillo, Land Bank of the Phils. O LBP & ACPC executives, Municipal Mayors, at iba pang opisyal ng pamahalaan na dinaluhan ng halos umaabot sa 7,000 magsasaka at mangingisda sa lalawigan ng Isabela.

Kasabay ng nasabing programa ay binigyan din ng BFAR Region 02 ng P2,000,000.00 cash ang bayan ng Maconacon, Isabela bilang premyo sa pagkapanalo nito sa malinis at Masaganang Karagatan (MMK) sa Regional Level.

Facebook Comments