Cauayan City, Isabela- Tuluyang inaresto ng kapulisan ang labing walong (18) katao dahil sa paglabag ng mga ito sa social distancing sa kahabaan ng Barangay Pattao, Buguey, Cagayan.
Kinilala ang mga nahuli na sina Oscar Puerte, 33 anyos, Larry Torda, 57 anyos, Derwin Antonio, 33 anyos, Christopher Manuel, 44 anyos, Elvis Manuel, 40 anyos, Devei Manuel, 27 anyos, Jonathan Tabaco, 34 anyos, pawang mga contruction workers at residente ng Brgy. Mala Este, Buguey, Cagayan.
Kasama rin sa mga kasamahang nahuli sina Querol Blancas, 41 anyos, Henry Tabag, 52 anyos, Zaldy Duruin, 42 anyos, Willer John Leste, 19 anyos, Mario Tactac Jr., Yves Dumasig, 32 anyos, Ernie Iranga, 25 anyos, Bryan Iranga, 30 anyos, James Patrick Abero, 26 anyos, mga residente ng brgy Mala Weste; Dennis Asuncion, 33 anyos, Losenio Carillo, 27 anyos, mga residente naman ng Brgy San Isidro at Villas Leonora sa bayan ng Buguey.
Lumabas sa imbestigayon, habang minamanduhan ni PCapt Joel Labasan ang checkpoint na nakatalaga sa pambansang lansangan sa brgy. Pattao ay hinarang ang isang Elf Truck na lulan ng mga suspek dahil sa hindi pag obserba sa physical distancing.
Nabatid na patungo sana sa bayan ng Camalaniugan sa naturang Lalawigan ang mga suspek upang magtrabaho bilang mga construction worker.
Dinala ang mga suspek sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.