180 Dating NPA, Pormal nang Tumiwalag sa Kilusan

Cauayan City, Isabela- Nanumpa na ang 180 dating kasapi ng New People’s Army (NPA), Militia ng Bayan at supporters bilang pagpapakita ng kanilang pormal na pagtiwalag sa kilusan sa Conner, Apayao.

Ayon kay Army Captain Rogelio Agustin, Information Officer of the 503rd Infantry Brigade, upang maipakita ang sinseridad ng mga dating rebelde, nagtipon-tipon ang mga ito upang maipakita ang kanilang katapatan sa pagbabalik-loob sa pamahalaan sa pamamagitan ng kanilang oath of allegiance.

Ibinahagi ng opisyal na karamihan sa mga dating rebelde ay nahikayat ng CPP-NPA na sumampa sa kilusan noong taong 1984 hanggang 1996.


Nagdesisyon lamang aniya ang mga former rebels na kumalas sa kilusan dahil napagtanto rin ng mga ito na walang patutunguhan ang kanilang ipinaglalaban at namulat na rin sila sa katotohanan dahil sa panlilinlang, at panloloko ng mga Partido komunista sa kanila.

Kaugnay nito, makakatanggap ng family food packs ang mga nasabing bilang ng nagbalik-loob sa pamahalaan mula sa DSWD Apayao at mabebenepisyuhan sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP).

Nananawagan naman si Capt. Agustin sa mga natitira pang kasapi ng NPA na bumaba at sumuko sa pamahalaan upang matamasa rin ang mga tulong na ibinibigay ng gobyerno sa mga rebel returnee.

Facebook Comments