Binuksan ng Department of Labor and Employment-Bureau of Local Employment (DOLE-BLE) ang nasa 180,000 na lokal na trabaho para sa high school graduates.
Ayon sa DOLE, kabilang sa mga inaalok na trabaho ay production machine operators, call center agents, production workers, domestic helpers, production helpers, service crew, sales associate professionals, quality assurance inspectors, cashiers, at technical assistants.
Batay sa pag-aaral, ang trabahong iniaalok para sa high school graduates ay limitado lamang sa blue-collar positions.
Sinabi naman ng DOLE-BLE na karamihan sa mga bakante trabaho na naka-post sa PhilJobNet ay permanente, pero mayroon ding contractual jobs.
Facebook Comments