Kalibo, Aklan – Naipamahagi na ang kabuuang 183 electronic land titles (e-titles) ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa 175 ARB, kung saan ito ay sumasaklaw sa 304.9723 na ektarya ng mga lupang pang-agrikultura, na matatagpuan sa bayan ng Altavas, Buruanga, Ibajay, Libacao, Madalag at Malay, Aklan. Ang nasabing aktibidad ay isinagawa sa Barangay Naisud Covered Court, Naisud, Ibajay kahapon ng hapon, kung saan pinangunahan ito ni DAR Secretary Conrado M. Estrella III. Samantala, maliban sa pamamahagi ng e-titles, naipamahagi rin ang farm machineries at equipment. Nasa nasabing aktibidad rin sina Aklan 2nd district Congressman Teodorico Haresco, Jr., Aklan Governor Jose Enrique Miraflores, Former Aklan Governor Florencio T. Miraflores, Mayor Engr. Jose Miguel M. Miraflores, Atty. Sheila Enciso, Regional Director DAR-6, at Undersecretary for Foreign Assisted and Special Projects Office (FASPO) Jesry T. Palmares.
Facebook Comments