Monday, May 4, 2026

Apektadong residente ng sumabog na Bulkang Mayon, patuloy na nakatatanggap ng tulong mula DSWD

Umabot na sa mahigit 70-K ang bilang ng Family Food Packs na naibahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong Lunes, May 4 sa mga kababayan natin sa Bicol Region.

Maliban dito, naipamahagi rin ng departamento ang mahigit 1-K ready-to-eat food boxes at mahigit 7-K namang non-food items.

Sa kasalukuyan, pansamantalang nasa evacuation center sa Albay ang ilang pamilyang apektado ng pagsabog ng Bulkang Mayon.

Kasama sa nabigyan ng nasabing tulong ay ang mga residente sa mga Barangay San Rafael, Travesia, Morera, Ilawod, at Poblacion.

Samantala, sa agarang pagresponde pamahalaan sa mga biktima ng sumabog na bulkan ay pansamantalang mapapanatili ang maayos na kalusugan ng mga residenteng apektado ng sakuna.

Facebook Comments