77 Vote-Buying Incident, Naitala ng PNP sa Cagayan

45
Cauayan City, Isabela-Naitala ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) ang 77 vote buying incident sa nakalipas na National at Local Elections sa lalawigan ng Cagayan nitong May 9, 2022.

Ayon kay Cagayan PPO Provincial Director PCol. Renell Sabaldica, tatlo na ang nasampahan ng kaso at 74 naman ang patuloy na bineberipika ang mga ebidensya kung kakikitaan ng dahilan ng pagsasampa ng kaso.

Dagdag pa ng opisyal, ang mga ulat ng insidente ng pambubugbog sa bayan ng Enrile, ang kaso ng pagsabog ng granada sa bayan ng Tuao at ang grave threat sa bayan ng Piat at iba pa ay may ibang kategorya ayon sa PNP.

Kaugnay nito, naging payapa umano ang kabuuang sitwasyon sa nangyaring halalan, bagay na ipinagpapasalamat ng pulisya sa mga opisyal sa maayos na takbo ng eleksyon.

Patuloy naman umano ang kanilang pag-aksyon sa mga ulat ng umano’y vote buying at iginiit na masusi nila itong bineberipika para sa pagsasampa ng kaukulang reklamo sa korte.

Facebook Comments